Epekto ng Telebisyon at Radyo
(Sanaysay)
(Earn extra income na walang binabayad click๐๐Earn and collect now )
Sa panonood at pakikinig mya mga natutunan tayo. Iba't-ibang bagay ang ating naririnig at napapanood, pambata, pangkabataan at maging pangmatanda, may mga balita, edukasyunal, dokumentaryo, at iba pa. Ang lahat na nabanggit ay naghahatid sa atin ng aliw at iba pang dagdag na impormasyon, pero sa limitadong paraan. Kung hindi lilimitahan ang ating sarili at ang mga batang manonood at makikinig ay may malaking epekto itong maidudulot. Sa panonood ng telebisyon dapat angkop sa edad, at magingsa pakikinig ng radyo. Katulad lamang ng mga batang nanonood at nakikinig dapat itong suriin at bantayan ng mga nakakatanda ang kanilang pinapanood at pinakikingggan. Maaaring nakakadulot ang mga ito sa kanila ng pagkataka sa mga impormasyong hindi pa nila naiintindihan. Nakakadulot ito ng masama sa kanilang paglaki kung ang mga ito ay binabalewala lang, maaaring nakakaapekto ito sa mentalidad o pisikal sa paglaki ng isang bata. Ukol dito, andyan ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB upang suriin ang mga ipinapalabas sa telebisyon at gumagabay sa mga manonood kung san angkop ang isang palabas.
Sa mga manonood at tagapakinig na nasa wastong edad na lalo na sa mga estudyante at may trabaho, dapat limitahan ang oras na ginugugol sa pakikinig at panonood. Nakakaapekto ito sa mga personal na gawain dahil mas binibigyan ng oras ang radyo at telebisyon kaysa kumita at mag-aral. Kaya igugol natin ang ating mga sarili sa mas importanteng bagay o gawain.
Ang sanaysay na ito bukas sa mga komento/reaction and correction. Thank you